多言語たげんご 情報じょうほう コーナーこーなー

2020ねん1月号がつごう フィリピン語たがろぐご  Filipino

1. ungkol sa Pag-file ng Income Tax Returns sa Tax Office para sa Taong 2019.


Ang mga foreign residents na nagtratrabaho sa Japan ng may isang taong mahigit ay binabawasan ang kanilang sweldo ng mga buwis gaya ng Income Tax at iba pa. Ang tawag ay Withholding Tax. At sa pagtanggap ng huling sweldo ng taon ay ibibigay kalakip ng ating mga pay slips ang withholding tax slip.Dito nakasaad ang pagkwenta ng halaga ng ibinayad na buwis sa isang taon na kinaltas sa kabuuan ng tinanggap na sahod sa isang taon. Ang prosesong ito ay tinatawag nilang year-end adjustment tax report.

Kapag tayo ay nagpapadala ng pera sa ating mga dependents sa ating bansa at hindi natin ito nagagawang ipaalam sa ating pinagtratrabahuan na kompanya sa kanilang year-end adjustments, ay pwede tayo na mag-file ng ating sariling income tax returns upang maka-avail ng tax refunds.

Ang pag-file ng income tax returns para sa fiscal year 2019 ay mag-uumpisa sa ika-17 ng Pebrero, Lunes hanggang ika-16 ng Marso, Lunes ng taong kasalukuyan. Ang lugar kung saan pwedeng gawing ang pag-file ng income tax returns ay sa Main Hall ng Tochigi Shokou Kaigisho sa may Katayanagi Cho. At para sa mga foreign residents na magproproseso ng kanilang income tax returns upang makapag-refund ay kailangan ihanda ang mga sumusunod na dokumento: Ang kanilang WithHolding Tax Slip, Ang kopya ng kanilang Alien Card Registration o dokumento na nagpapatunay ng kanilang Residence Status, kopya ng kanilang bankbook, kung ang mga dependents ay nasa labas ng bansa, ay mahalaga ring ang pagpapatunay ng kanilang relasyon at ang katanuyan na nagpapadala rito ng pinansyal na suporta at lahat nito ay dapat isalin sa wikang hapon. Sa pag-file ng Income Tax Returns, kailangang gamitin ang Income Tax Return Form A.

Maliban sa mga inquiries tungkol sa Income Tax Returns, ang iba pang mga pagpapaliwag tungkol sa pagbabayad ng buwis ay makikita sa homepage ng National Tax Agency. Mayroon itong English version kaya atin itong tingnan.


2. Tungkol sa Pagbubukas ng bagong Shimin Kouryu o Citizen’s Interaction Center at ang Paglilipat sa Tochigi Kouminkan.


Bagama’t naihayag dito noong nakaraang Nobyemre ang pagbubukas ng bagong Citizen’s Interaction Center sa Abril ngayong taon, nagkaroon ng pinsala dulot ng pagbabaha dala ng Typhoon No.19. Dahil dito ipinagpaliban ang pagbubukas ng bagong Shimin Kouryu Center sa umpisa ng Hulyo ng taong kasalukuyan.

Ang pagpapa-reserve ng paggamit ng nasabing pasilidad ng Tochigi Kouminkan ay sa dati pa ring lugar sa Hinode Cho ng Tochigi City. Bilang karagdagan, ang pagpapareserve sa magiging bagong pasilidad ay sabay din sa umpisa ng Abril.

Hinihiling ang pag-unawa ng lahat sa bagay na ito.


3. Pagbabago sa Detalye ukol sa Paggamit ng Fureai Bus at ang Kura Taku (o ang Kura Taxi)


Mayroong pagbabago sa paggamit ng dalawang uri ng pampublikong sasakyan na tumatakbo sa lungsod ng Tochigi. Ito ay ang Fureai Bus at ang Kura Taxi. Lalo itong inayos at pinadali ang pag-intindi sa paggamit sa pagsakay dito. Una, ang pamasahe sa Fureai Bus ay dalawang daang yen lamang kahit saang lugar sumakay dito sa Tochigi City. Sa mga may edad na 75 na taong gulang pataas ay isang daang yen lamang at libre na sa mga bata na bago pa pumasok ng elementarya. Ang Kura Taxi ay apat na raan lamang ang pamasahe dito.

Bilang karagdagan din, ang schedule at ruta ay pwedeng baguhin kung ito ay hihilingin ng mga mananakay. May pagbabago rin ukol sa sistema upang malaman kaagad ang kasalukuyang travel time at kinalalagyan.

Ang pagbabago na ito ay ipapatupad mula ika-21 ng Marso para sa Fureai Bus at sa umpisa naman ng Abril para sa Kura Taxi. Kaya mula ngayon ay gamitin natin ang pampublikong sasakyan na mga ito at maging pamilyar sa pagsakay dito.


4. Ang Pagsasagawa ng Dondo Yaki Event.


Isa sa kaugalian sa Japan sa New Year o Shougatsu ang Koshogatsu o mini-New Year Event na Dondo Yaki. Ito ay ang pag-iipon ng mga ginamit na dekorasyon at palamuti ng Bagong Taon. Isasalansan ito at susunugin. Sa event na ito ng Dondo Yaki ay gagamitin ang baga ng pinagsunugan upang lutuin ang tradisyonal na japanese rice cake na kung tawagin ay Mochi.

Maghahangad sila na sa pagkain ng Mochi ay sana malusog ang kanilang pangangatawan palagi at hindi magkakasakit sa buong taon.

Para sa Tochigi City, dalawang lugar gaganapin ang event na ito. Ito ay sa Fujioka at Nishikata Machi. Para sa Fujioka Area, ito ay gaganapin sa Enero 18, Sabado ala-una y medya hanggang alas kuwatro ng hapon. Ang lugar ay sa Fujioka Sports Center sa Southern part ng park. At kapag hindi maganda ang panahon sa araw na ito ay ipagpapaliban sa susunod na araw ng ika-19 ng Enero Linggo.

Sa Nishikata naman ay gaganapin sa ika-25 ng Enero, Sabado ika-lima ng hapon hanggang alas siyete ng gabi ito ay sa Michi no Eki Nishikata sa western part na ricefield. Kapag hindi maganda ang panahon sa araw na ito ay ipapagpaliban ito sa susunod na araw ng ika-26, Linggo. Ang parking ng mga sasakyan ay sa Nishikata Municipal Office Branch o sa Nishikata Elementary School.