多言語たげんご 情報じょうほう コーナーこーなー

2019ねん10月号がつごう フィリピン語たがろぐご  Filipino

1. Ang Libreng Pagpasok ng mga Bata sa mga Nurseries, Kindergadens o mga Awtorisadong katulad na Pasilidad.


Magmula Oktubre 1 ng taong kasalukuyan ang mga bata na may edad na 3 hanggang 5 taong gulang ay libre na sa mga Nurseries, Kindergardens o mga katulad na awtorisadong pasilidad. Gayundin ang mga batang may edad hanggang 2 taong gulang na nasa tax exempted households ay libre na rin.
Para rin sa mga nagpapa-alaga ng mga anak sa kindergardens at mga katulad nito na pribadong pasilidad ay magiging libre na rin sa naitalagang halaga lamang. At sa mga batang may kapansanan na ipinapa-alaga sa mga pasilidad na nangangasiwa sa mga gaya nila at pareho rin inaalagaan sa mga Nurseries, Kindergardens o katulad na pasilidad ay parehong malilibre rin sa pagbabayad dito.
Ito gagawin bilang pagsuporta sa mga pamilya sa pagpapalaki at pagpapa-aral ng kanilang mga anak ngayong panahon kung saan nakakaranas ng patuloy na pagbaba ng birthrates ang bansa at itinaon din sa araw kung saan itataas ang kasalukuyang consumption tax rate.

Kaya dapat nating maunawaan ito.


2. Tungkol sa Pagbibigay Suporta sa mga batang Magpapabakuna sa Pag-iwas ng Influenza .


Magmula Oktubre, ang mga batang ipinanganak ng may 6 na buwan gulang hanggang sa mga papasok sa Elementarya na nakatira sa lungsod ng Tochigi ay bibigyan ng pinansyal na suporta sa pagpapabakuna laban sa pag-iwas sa Influenza sa halagang 2,500 yen. Kaya ang babayaran lamang ng magulang ay ang bayarin na lalampas lamang ng nasabing halaga.
Magmula umpisa ng Oktubre hanggang ika-29 ng Pebrero ng 2020 lamang ito sa naitalagang pagamutan ng lungsod. Makaka-avail nito ng dalawang beses. Sa mga gustong magpabakuna ay direktang magpatala sa mga naitalagang mga pagamutan.


3. Ang Pag-taas ng Consumption Tax


Magmula umpisa ng Oktubre ay itataas ang kasalukuyang 8% na consumption tax sa 10%. Ang consumption tax ay papasanin ng sinuman na naninirahan sa bansang Hapon sa pagpibili ng mga bagay at pagbayad ng mga serbisyo.
Ang halaga na itataas sa consumption tax ay gagamitin sa social security ng mga susunod na henerasyon.
Bilang karagdagan din, ang pagtaas na ito ng consumption tax ay ilalapat lamang sa mga produkto gaya ng alak o ang pagkain sa labas ngunit mananatili ang kasalukuyang 8% sa mga pangunahing presyo ng pagkain at ang halaga sa pagbili ng mga diyaryo.
Sa mga establisemento na gaya ng supermarkets o convenience stores ay ilalapat lamang ang panibagong tax rate sa pagkain o pag-inum sa loob nito at magiging 8% lamang kung ito ay iuuwi pagkatapos bilhin. Kaya dapat sabihin kaagad sa mga pamilihan at retaurants kung ito ay “ dine in” o “take outs” dahil magkaiba ang ipapataw na consumption tax rate.
Hinihingi ang pag-unawa at pakikipagtulungan ng lahat sa bagay na ito.


4. Mga Impormasyon Tungkol sa mga Naitalagang Autumn Events.


Magmula Oktubre 1, Sabado gaganapin ang Tochigi Today’s Market sa DashiKaikan Hiroba o sa harap ng Tochigi Doll Museum mula alas 10 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon. Ito ay 1 beses kada buwan.
Makakabili ng seasonal na produktong agrikultura ng lungsod at karatig lugar nito. Meron din mga Musical Artist na magbibigay ng kanilang “live” na pagtugtog habang namimili, kumakain 0 umiinom sa event na ito
Ang mga susunod na naitakdang pag-ganap nito ay sa ika-23 ng Nobyembre, ika-21 ng Desyembre, Enero 25, Pebrero 22 at Marso 28.
- Ang susunod naman sa parehong lugar ng Doll Museum at paligid nito sa ika-27 ng Oktubre, Linggo mula alas 10 ng umaga hanggang alas tres y media ng hapon ay ang Tochigi Kyodo Matsuri 2019
- Gayundin sa ika-2 at 3 ng Nobyembre sabado at Linggo sa loob ng dalawang araw, mula alas 10 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon sa main street ng lungsod ng Kura no Machi sa kahabaan ng kalye mula Ashikaga Bank hanggang sa Police Box ng Yorozu Cho at sa paligid ng Kinryu Temple ay gaganapin ang ika-21 Kura no Machi Furusato Matsuri.
Meron mga paninda sa mga kalye at ilalabas ang Floats ng Sangokushi, pagpapalabas din ng mga Kuri Ningyo at mga Antigong kasangkapan.

Kaya makibahagi sa mga ibat-ibang events na ito ng autumn.