多言語たげんご 情報じょうほう コーナーこーなー

2019ねん08月号がつごう フィリピン語たがろぐご  Filipino

1. Panawagan ng TCIEA o ng Tochigi City Int’l Exchange Assn para sa mga gustong gumanap ngayong taong sa Utamaru Dochu.


Sa ika-2 ng Nobyembre ( Sabado), ang mundo na kinatha ng batikang artist na si Kitagawa Utamaru ay isasadula na naman ngayong taon sa nasabing petsa at nangangalap na naman ng mga gaganap na karakter na mga hapones o dayuhan.
Ang mga gaganap na karakter ay magsusuot ng mga peluka at kimono na ginamit pa noong panahon ng Edo period. May labing isang karakter na pwedeng gampanan at ang mga pwedeng gumanap dito ay magmula grade 5 hanggang 60 taong gulang. Ito man ay babae o lalaki ngunit mayroong mga kondisyones sa bawat karakter na gagampanan.
Ang application form ay nasa homepage ng Tochigi City. At sa mga gustong sumali ay kailangan ang litarato. At ang deadline sa pagsali dito ay hanggang sa ika -30 ng Agosto lamang. Para sa mga karagdagang kaalaman tungkol dito ay tumawag lamang sa numero 0282-25-3792.


2. Pangangalap ng mga gustong lumahok na Olympic torch runners.


Simula noong ika-1 ng Hulyo ay inumpisahan na ang anunsyo sa mga gustong maging Olympic torch runners ng 2020 Tokyo Olympics. Sa Tochigi Ken ay 25 na katao lamang ang pwedeng lumahok, sila ay ang mga ipinanganak hanggang Abril 1, 2008 na naninirahan o nagtratrabaho sa Tochigi Ken. Walang kinalalaman ang nasyonalidad at ang deadline sa paglahok ay hanggang sa ika-31 ng Agosto (Sabado) lamang. Ang application form para sa pagsali ay makukuha sa Homepage ng Tochigi City. I fill-up ang form at ipadala sa pamamagitan ng koreo o e-mail.
Ang relay sa pagtakbo ng Olympic torch sa Tochigi Ken ay magmula sa ika-29 ng Marso 2020, Linggo at ika-30 ng Marso, Lunes. Sa lungsod ng Tochigi ay matatapat sa ika-29 ng Marso ang na-schedule dito. Bawat isang tao na makakasali sa pagtakbo ay may 200 metro lamang ang tatakbuhin. At sa araw ng pagtakbo ay magkakaroon ng uniforme na gagamitin. Alinsunod dito, ang mga official sponsors ng Tochigi Ken gaya ng Coca-cola, Toyota, Nihon Seimei at NTT ay tumatanggap din ng applications sa mga gustong makilahok. At may pagkakaiba ang kani-kanilang anunsyo kaya maiging tingnan na lamang ang kanilang websites tungkol dito.


3. Tungkol naman sa Tochigi Football Club


Ang lungsod ng Tochigi ay may propesyonal na soccer club na kung tawagin ay Tochigi Football Club. Sa kasalukuyan ay nakikipagtunggali sa First League ng Kanto Region upang maabot ang J-League ang tunggalian ng mga primerong koponan.
Dati ang pangalan ng team ay Tochigi Uva Football Club ngunit ito ay napalitan ngayong season sa kasalukuyang pangalan.
Ang Tochigi Football Club ay homegrown team ng Tochigi City at sila ay nag eensayo sa soccer field na may articial grass sa Iwafune Town. Bilang ambassador ng ating lungsod sila ay itinataguyod at ipinakikila sa pamamagitan ng pagganap ng kanilang mga laban sa Tochigi Sports Plaza sa may track and field stadium. Sila ay isinasakay sa dark blue na bus. Kaya kung sila ay ating makita at mapansin, i-cheer po natin sila.


4. Ang Pagpasok ng Libre ng Publiko sa Kura no Machi Museo.


Ang Tochigi City ay may sinaunang warehouses na kung tawagin ay Kura no Machi na gawa pa noong panahon ng Edo Period at ito ay may 170 taon ng itinayo. Ito ay ay tatlong gusali na napanatili sa pamamagitan ng pagkumpuni at ginagawang venue ng ibang exhibitions. Masasabing ito ay naiibang tayong gusali.
Sa pagkakataong ito, makakapasok ng libre ang sinuman sa loob upang makita ang loob nito dahil walang ilalagay na iba pang exhibits. Ang petsa ay mula sa ika-9 ng Agosto hanggang sa ika-16 mula alas nuebe ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Maliban lamang sa ika-13 ng Agosto dahil sarado ang lugar, tandaan po natin ito upang hindi magkamaling pumasok.
Ang Tochigi no Machi warehouse ay isa sa mga naiwang gusali na napanatili mula pa noong panahon ng Edo period at masasabing kamanghamangha ang pagkakagawa ng warehouse o kamalig na ito kaya samantalahin natin ang pagkakataon na ito na makita ang loob ng Museo.


5. Tungkol naman sa Summer Events ng Tochigi City sa ibat-ibang lugar nito.


Sa ibat-ibang lugar ng Tochigi City, ay may mga gaganapin na Summer Events.
Una sa main street ng lungsod na kung tawagin ay Kura no Machi Oodori hanggang sa Kourai Bridge ay gaganapin ang Kura no Machi Summer Fiesta sa ika-4 ng Agosto, Linggo magmula alas dos ng hapon hanggang alas nuebe ng gabi. Magkakaroon ng street dances, omikoshi, pagkakataon na sumakay ng ladder cars, e-sports competitions at calligraphy performances ng mga high school students at mga iba pang mga bago na naiplanong events.
Sa ika-10 naman ng Agosto , Sabado mula ala singko y medya ng hapon hanggang ala singko ng gabi sa may Iwafune Sports Plaza ay gaganapin din ang 2019 Summer Fiesta in Iwafune. Magkakaroon ng powerful Japanese drums (taiko) performance at fireworks display.
Sa susunod na araw naman ng ika-11 ng Agosto ay sa Tsuga Machi, ang 45th Tsuga Shimin Bon Odori o Bon Dance contest at Tsuga Machi Fireworks Festival.
Ang mga main attractions ng summer na gaya ng Bon Dance at Fireworks display ay makikita sa mga pagkakataong ito kaya lumabas po tayo at makipagsaya at makibahagi sa mga ibat-ibang events na ito.