多言語たげんご 情報じょうほう コーナーこーなー

2019ねん07月号がつごう フィリピン語たがろぐご  Filipino

1. Ang pagsusumite ng mga applications para makapasok ang mga kwalipikadong bata sa Nursery o Kindergarden sa susunod na taon.


Sa Japan, may mga child-care facilities na gaya ng Kindergardens o Nurseries na maaring ipaalaga ang ating mga anak bago sila pumasok sa Elementarya.
Meron pagkakaiba ang mga pasilidad na ito gaya ng oras ng pag aalaga, ang tamang edad ng bata kung ito ay i aapply at ang bayad dito. Pipiliin natin ang pasilidad na naangkop sa kalagayan ng ating pamumuhay. Umpisa ng Setyembre taon-taon ay ang pagproproseso ng applications para sa pagpasok ng mga bata sa susunod na taon sa mga Nurseries, Kindergardens at iba pang authorized child care facilities. Sa ika-2 ng Setyembre hanggang ika-30 ng nasabing buwan ang inilaan na period para sa pagtanggap ng mga aplikasyon para makapasok ang mga bata sa susunod na taon.
Sa mga authorized small scale child facilities, ay pwede ng directaang mag apply sa napiling lugar ng paalagaan. At sa panahong inilaan para magsumite ng mga appications, ay maari na rin itong gawin sa ikalawang palapag ng munispyo ang Child Support Section o ang mga sangay ng munisipyo na malapit sa inyo o di kayay directa na ring ipasa sa mga napiling paalagaan.
Pwedeng pumunta at makita ang mga pasilidad.


2. Ang bagong National Health Insurance Card.


Sa kasalukuyan, ang mga National Health Insurance Cards ay may bisa lamang hanggang ika 31 ng Hulyo. At sa umpisa ng Agosto ay papalitan na ito ng bago. Ito ay ipapadala sa pamamagitan ng koreo hanggang sa katapusan ng ng Hulyo.
Ang mga dayuhan kahit hindi nagtratrabaho dito kapag sila ay mananatili sa Japan ng mahigit 3 buwan ay kinakailangan magkaroon ng National Health Insurance Card. Bagamat walang legal na aksyon kung hindi man tayo nagkaroon nito, kung sa hindi inaasahang sandali at tayo ay magkasakit o maaksidente at kailangan ng pagpapagamot o pagpapaospital na kailangan ng malaking halaga upang tayo ay biglang lunas at dahil sa hindi pagkakaroon ng Health Insurance, kailangan nating bayaran ng buo ang gastusing medical.
At sa mga pagkakataong gusto na magpagamot ngunit walang Health Insurance Card, ay maari na tayong tanggihan ng ilang pagamutan,
Kung kinakailangan magpagamot at nais magkaroon ng Health Insurance Card, ay dapat bayaran magmula sa araw na dumating sa Japan.
Kaya nararapat na magbayad ng National Health Insurance upang hindi tayo magkaroon ng suliranin sa mga panahong kailangan natin ito. At kailangan din magbayad hanggang sa itinakdang panahon. Ang pagsali o pagliban na sa National Health Insurance System ay dapat gawin sa loob ng 14 na araw. Para sa mga magpapalit ng uri ng Health Insurance System na dulot ng pinagtratrabahuan ay dapat ipaalam ito sa munisipyo sa may Medical Section Department. At isauli ang kasalukuyang gamit na National Health Insurance Card.


3. Tungkol sa Heat Stroke


Ang Heat Stroke ay dulot ng agarang pagtaas ng temperatura sanhi ng umpisa ng tag-init at pagtatapos ng panahon ng tag-ulan.
Sa ating pang araw araw na pamumuhay ay pwede nating maibsan ang init ng panahon. At upang maiwasan ang Heat Stroke, palaging bigyan pansin ang temperatura at humidity ng kapaligiran. Gaya ng paglabas natin ng bahay, dapat tayo ay nakasombrero o nakapayong upang maiwasan ang direktang tama ng araw sa ating katawan. Kung nasa loob naman ng silid o tahanan ay huwag tiisin ang init. Babaan ang temperatura sa pamamagitan ng paggamit ng bentilador o ng air conditioner sa tama lang na lakas na hindi makakaapekto ng malaking bayarin o pag overheat ng airconditioner. Sa gabi ay gawing komportable ang ating pagtulog.
Bilang karagdagan, uminom ng sapat na tubig. Kung lalabas man ng tahanan, ay kailangan uminom na ng tubig o magdala na ito lalo na kung tayo ay maglalakad.
Kung tayo ay pinagpapawisan ng marami dahil sa init, kailangan kumain ng may kaalatan upang mapalitan ang nawalang asin dulot ng pagpapawis ng ating katawan.
Dapat magkaroon ng wastong kaalaman tungkol sa heat stroke at malampasan ang pagkabalisa dulot ng napakainit na panahon.


4. Ang Pagpunta ni Tochisuke ang official mascot ng lungsod sa mga Traditional Tourist Spots ng Tochigi City.


Dahil sa gaganaping Tokyo Olympics at Paralympics sa susunod na taon, nais ipromote ng lungsod lalo na sa mga dayuhang turista ang ibat ibang tanyag na tourist spots ng Tochigi City sa pamamagitan ng pinlanong pagbisita ni Tochisuke sa apat na kilalang tourist spots ng lungsod. Ito ay ang mga sumusunod ;
1) Una ay sa ika 26 ng Hunyo sa Abuden Miso ng Kauemon Cho., isang sinaunang storage ng Miso.
2) Pangalawa ay sa ika 24 ng Hulyo sa may Iinuma Meijo ng Nishikata Machi magpupunta si Tochisuke upang ipapakila ang lugar na ito na storage ng Sake.
3) Pangatlo naman ay sa ika 28 ng Agosto sa Isuru Man Kanji isang tanyag na templo ng lunsod. 4) Ang pan apat ay sa ika 24 ng Agosto sa main streets ng lungsod na kung tawagin ay ang Kura No Machi na kung saan makikita ang mga ginawang gusali mula sa sinaunang bricks at mortars.
Ang oras ay magmula alas 10 ng umaga sa bawat tourist spots na nabanggit at may pagpapaliwanag sa wikang hapon.
Para sa mga dayuhan na nakatira sa lungsod ng Tochigi, ipakalat itong impormasyon na ito sa pamamagitan ng Social Media upang makilala ang kagandahan ng tinirtahan nating lungsod. At para sa mga interesadong ma meet si Tochisuke ay inaanyayahan tayong makibahagi sa mga events na ito.

5. Ang pang lima at huling anunsyo ng lungsod ay tunkol sa Watarase Yusuichi Festival.


Sa ganap na ika 28 ng Hulyo, linggo mula alas nuwebe y medya ng umaga sa may Watarase Reservoir ng Yanaka Lake ng Fujioka Machi ay gaganapin ang Watarase Yusuichi Festival. Magkakaroon at pwede makilahok sa mga sports attractions gaya ng Road Bike, Hot Air Ballons, Skydiving, Glyding, Canoe, Boating at iba pa.
Mayron ding Gourmet Booths, Miniature ng Watarase Yusuichi, at sa stage shows naman ang Pizza Acrobatic Show, Street and Dance Performances. Subalit kung malakas ang hangin o ang ulan sa araw na ito magkakaroon ng kanselasyon sa event .
Inaanyayahan po tayong pumasyal at makisaya sa festival na ito.