多言語たげんご 情報じょうほう コーナーこーなー

2019ねん06月号がつごう フィリピン語たがろぐご  Filipino

1. Pagsakay sa City Loop Bus ng libre


Para sa kapakanan ng mga mamayanan ng Tochigi City ay mayroong umiikot na City Bus na kung tawagin ay Fureai Bus. Ito ay may 10 ruta na nag uumpisa sa mga pangunahing kalsada ng lungsod. Ang pamasahe ay 100yen para sa mga adults sa mga naitalagang distansya ng byahe.at may karadagang 100yen kung lalampas pa rito ang haba ng byahe. Hindi na hihigit pa sa 300yen ang pamasahe rito.
Para sa mga bata na may edad na 3 gulang pababa, sa mga may kapansanan o sa mga taong nasa pangangalaga ay kalahati lamang ang pamasahe.
At upang maenganyo ang karamihan na gumamit ng Fureai Bus ay may gagawing promosyon tungkol dito. Ito ay gagawin sa Hunyo 15 Sabado, sa lahat ng ruta nito ay libre ang pagsakay.
Kaya samantalahin natin ang pagkakataong ito na sumakay sa Fureai Bus para makita ang buong Tochigi City.
Ang guide ng ruta ng bus na nailalahad sa iba’t ibang lenggwahe ay makukuha sa 2nd floor ng CityHall sa may Traffic Accidents and Crime Prevention Corner at sa Tochigi City International Exchange Ass’n.


2. Ang Pagpapatupad ng CoolBiz na Kasuutan sa mga Empleado ng Pamahalaan.


Ang mga kawani ng munisipyo ay inataasang magsuuot ng magaang kasuotan na o kung tawagin nila ay CoolBiz, sa kanilang trabaho sila ay walang kurbata at naka polo shirt lamang magmula sa umpisa ng Mayo hanggang sa huling araw ng Oktubre. At ang temperature ng air conditions ng kanilang pinagtratrabahuan ay pinapanatili sa 28 degrees centrigrade lamang.
Dahil dito ay hinihingi nila ang inyong pang unawa.


3. Ang Festival sa Tsuga no Sato upang pagmasdan ang mga bulaklak ng Lotus.


Sa ika-15 ng Hunyo Sabado at sa susunod na araw ng ika-16 Linggo, magmula alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon ay gaganapin ang Festival sa Tsuga no Sato upang makita at mapagmasdan ang may isang libong bulaklak ng Lotus.
Ang lugar ay sa Tsuga no Sato, Furusato Center Park malapit sa outdoor stage sa may maliit na lawa.
Ganundin sa parehong pagkakataon, naroon din at mapagmamasdan ang pag usbong ng lilies at Hydrangea flowers na kung tawagin ay Ajisai.
May iba’t ibang pagkain din na mabibili ngunit ang pagpasok o entrance fee ay libre sa sinuman.
Kaya pumunta po tayo at makibahagi sa Hasu Matsuri o ang Lotus Festival ng Tsuga no Sato.


4. Tungkol pa rin sa mga Bulaklak, ito naman ay ang Ajisai Matsuri ng Mt Ohira.


Sa kalagitnaan ng Hunyo hanggang sa katapusan nito sa may slope ng Jisen Park ng Mt. Ohira ay gaganapin ang Ajisai Matsuri o ang Hydrangea Festival. Magmula sa harapan ng Rokkaku Restaurant hanggang sa Mt.Ohira Shrine ay makikita ang pag-usbong ng may 1000 hanggang 2500 na mga bulaklak ng Hydrangeas.
Ang naulanan na bulaklak ng Hydrangea ay napakasariwang pagmasdan at sinasabing nakakahilom ng puso.
Sa pagdaraos ng festival na ito ay may bayad ang mga parking areas na malalapit dito. Inaasahan din ang pagdagsa na mga pupunta kaya pinapayuhang maging maingat sa pagmamanehong paakyat sa lugar.


5. Ang Foreign Languages Version ng Kouho Tochigi.


Ang mga nilalaman ng mga annunsiyo namin na nasa limang lengwahe ay mababasa na rin sa Home Page ng Tochigi City. I search ang Koho Tochigi Foreign Language Version at makikita ang limang lengwahe ng English, Chines, Nepal, Filipino at Espanyol na versions. Ang mga mahahalagang paalala o events ng ating lungsod ay palagi nating malalaman sa pamamagitan nito kaya gamitin po nating lahat.