多言語たげんご 情報じょうほう コーナーこーなー

2019ねん05月号がつごう フィリピン語たがろぐご  Filipino

1. Ang pagpapalit mula Heisei patungong Reiwa.


Ang ‘Era o Period” ay kung paano binibilang ang taon sa Japan kaugnay ng panunungkulan ng Emperador. Kaya’t kung magpapalit ng uupong Emperador, ay mababago rin ang pangalan ng Era o Period nito.
Magmula sa unang araw ng Mayo, may bagong umupong Emperador kaya ang Heisei Period ay napalitan ng bagong Reiwa Era o Reiwa Period.
Ang salitang “Reiwa” ay hango pa sa lumang literatura ng Japan na may 1200 taon na ang nakalipas na ang ibig ipahiwatig ay isang bagong umaga na may dalang pag-asa na para sa mga Hapones ay inihahambing sa isang malaking bulaklak na uusbong o mag blobloom . Yan ang kanilang ninanais sa bagong period na ito.
Kaya’t gaya rin ng mga hapones, kasama rin tayong mga dayuhan na naninirahan dito sa Japan na maging bahagi ng isa sa napakahalagang yugto ng kanilang kasaysayan.


2. Ang J-Alert Information Drill.


Sa miyerkules, ika labing lima ng Mayo, sa ganap na alas onse ng umaga, isasagawa sa buong bansa ang J-Alert Information Drill.
Ang J-Alert ay isinasakatuparan sa panahon ng emergencies gaya ng pagpapakawala ng Ballistic Missiles, Lindol, Tsunami at iba pa. Ipinapaalam sa lahat ng mamamayan na maghanda o ang agarang paglikas.
Sa nasabing araw at oras, ang mga nakatalagang speakears sa labas ng mga kalsada, disaster radios at pati na rin itong FM Kurara 857 ay mapapalabas ng babala sa lahat at iaanunsyo ang pagsasagawa ng J-Alert Drill sa pamamagitan ng pagsabi ng” J- Alert Test”. Kaya hinihiling po ng lungsod ang kooperasyon ng lahat.


3. Ang pagdating ng ating mga bayarin ukol sa Jidosha Zeikin o “Road Tax” at Real Property Tax.


Magmula sa unang araw ng Abril, lahat ng nagmamayari ng regular na sasakyan ay kailangan magbayad ng buwis nito na kung tawagin ay jidosha zeikin. o road tax.
Sa mga may ari naman ng light vehiles o kei jidosha ay dapat ding bayaran ang kei jidosha zei.
Upang tayo ay muling makapag car inspection o shaken ay kailangan nating bayaran ang road tax, Ang babayarin buwis para sa mga regular na sasakyan ay ipapadala ng provincial tax office at ang sa light vehicles naman ay mangagaling sa city tax office ng Tochigi. Kailangan bayaran ito hanggang ika 31 ng Mayo.
Gayundin sa mga nagmamayari ng bahay o lupa dito sa lungsod mula umpisa ng taon ay makakatangggap ng bayarin sa buwis na maggagaling sa City Planning Office Tax Office. Ito ay dapat bayaran ng minsanan hanggang ika-31 ng Mayo o di kaya ay ang quarterly payment.
Ang hindi pagbayad nito sa mga nasabing araw ay pwedeng magdulot ng karagdagang penalty o interest kaya dapat maging maingat.
Sa mga nagpagawa ng bago o nagpaayos ng kanilang bahay at ganundin sa mga nagpagiba ng kanilang mga lumang tinirhan ay mangyari lamang tumawag sa City Planning Tax Office.


4. Tungkol sa Pagtangap ng Child Allowance.


Ang Child Allowance ay natatanggap ng mga batang naninirahan sa Japan hanggang sila ay makatapos ng Junior HighSchool o Chugako. At upang makatangap nito ay kailangan mag apply sa Child Care Support Section ng main CityHall at local branches nito.
Para sa mga bagong silang na sanggol o ang mga bagong lipat ng tirahan sa Tochigi City ay mayroon din silang kwalipikasyon na maka avail ng sistemang ito kaya dapat samantalahin ito. Ang Report of Birth o ang Report of Residence Transfer ay hindi sapat na proseso upang magkaroon ng Child Allowance ang inyong mga anak.
Sa loob ng 15 araw pagkasilang ng sanggol o sa susunod na araw paglipat ng tirahan sa lungsod ay pwede na makapag apply ng Child Allowance.


5. Ang pamamahagi ng Health Passport at Medical GuideBook


Ang ating lungsod ay mamamahagi ng personal na Health Passport at Medical GuideBook para sa mga especial na pagsusuring medical gaya ng Cancer check-ups.
Mag uumpisang ipadala ang mga ito sa huling linggo ng Mayo ng taong kasalukuyan.
Ito ay iaaddress sa mga householders at lahat ng miyembro ng kanyang pamilya na may edad 20 anyos pataas ay kasama na rin.
Ang pagtanggap para sa medical check up reservations ay mag sisimula sa ika-23 ng Mayo.
Ang reservations ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtawag sa Health at Medical Dept. ng Munisipiyo at pwede rin gawin sa madaling paraan sa pamamagitan ng computer o smartphones sa internet.
Gamitin natin an gating Medical CheckUp Passports at samasama tayong mamuhay ng malusog at panatag sa araw araw.