多言語たげんご 情報じょうほう コーナーこーなー

2019ねん4月号がつごう フィリピン語たがろぐご  Filipino

1. Ang pagpapahaba ng Oras ng Trabaho sa ating Munisipyo sa mga Pangunahing Counters.


Ang ating munisipyo ay palalawigin ang oras ng trabaho sa mga pangunahing counters na dinadayo. Maliban sa Year end at New Year Holidays, ang main city office ay I eextend ang oras ng trabaho mag-mula ala singko kinse ng hapon hanggang ala siete ng gabi.
Ang mga ilan sa mga counters na ito ay ang “shiminseikatsu-ka”, “iryouka” o ang medicare dept. ang “shiminzei-ka”o ang residential tax section, ang “shisanzei-ka” o ang real property tax section at ang shuzei^ka o ang income tax payment section.
Sa mga branches naman ng cityhall sa Ohira Machi, Fujioka at Iwafune ay sa Biyernes lamang ang pagpapalawig ng oras magmula ala singko kinse hanggang ala siete ng gabi at ito ay ang shimin seikatsu ka na counter lamang. Sa Tsuga naman ay tuwing ikalawa at ikaapat ng Biyernes kada buwan palalawigin ang oras ng kanilang opisina at ito’y ang shiminseikatsuka lamang. Sa Nishikata naman ay tuwing Biyernes lamang ngunit kailangan dapat tumawag muna para sa reservatuions.
Samantalahin natin ang serbisyong ito.

2. Tungkol naman sa Holidays ng Goldern Week ngayong taon.


Ang main cityhall at ang mga branches nito ay mag-uumpisa ang holiday magmula Abril 27 Sabado hanggang ika-6 ng Mayo.,Lunes. Sarado ang cityhall sa pagkakataong ito, Sa mga mag proproseso ng kanilang birth, marriage o death certificates ay mangyari lamang pumunta sa unang palapag ng main city hall sa may southwest corner kung saan naroon ang security office at doon ibigay ang ating mga dokumento.

3. Tungkol naman sa Pagbabago ng ating Bayarin sa ating National Pension Premiums.


Ang bayarin sa ating National Pension Premiums ay nagbabago taun-taon. At mag mula sa simula ng Abril ay magiging 16,410 yen na ito.
Sa mga buwanang nagbabayad ay kailangan mag umpisa ng magbayad sa katapusan ng Abril pagkatapos matanggap ang bayarin na ipapadala ng Japan National Pension dahil ang pagbabayad ay kalangan gawin tuwing katapusan ng susunod na buwan. Sa mga magbabayad ng minsanan na advance ay magkakaroon ng discount at kailangan gawin ito hanggang ika-7 ng Mayo, Martes..

4. Tungkol sa Paraan ng Pagtatapon ng Pet Bottles


Magmula Abril 1 ng taong kasalukuyan, ay dapat ng tanggalin ang mga labels ng Pet Bottles bago ito itapon bilang recycle materials,
Ang mga pet bottles na hindi natanggalan ng labels ay itatalagang paglabag at hindi ito kokolektahin.
Sa mga magdadala direkta sa Tochigi Green Plaza na kung saan dinadala ang lahat ng basura ng lungsod ay kailangan ding tanggalan ng labels, Hinihingi po naming ang inyong kooperasyon.

5. Ang mga iba’t ibang events ng ating lungsod ngayong panahon ng Spring.


Magmula ika 29 ng Marso hanggang ika 14 ng Abril ay ginagawa ang Sakura Festival sa iba’t ibang lugar ng Tochigi City.
Gaya ng Sakura Viewing sa Mt. Ohira , ganon din ang Sakura Festival sa harap ng Ohira Sports Park ang Sakura Doori , ang Fujioka Watarase Sports Park Sakura Festival ,ng Fujioka machi, ang flower festival ng Tsuga no Sato at ang Sakura viewing along the river banks ng Kanzaki ng Nishikata .At iba pang lugar sa Tochigi City na kung saan nagkakaroon ng Cherry Blossoms Festivals.

Ganon, sa panahon ng Golden Week Holidays, ang una at ikalawang araw ng Mayo ay ipapakita sa harap ng Tochigi Doll Museum o ang Tochigi Dashikaikan na kung saan ginanap ang ating International Festival ay ilalabas at ipapakita sa publiko ang hindi karaniwang nakikita na iba’t ibang Doll Floats na gawa pa noong panahon ng Edo period sa pamamagitan ng kakaibang sculpture at embroideries. Makikita ito ng malapitan.

Kaya samantahalin natin ang mga iba’t ibang events at maglibang sa panahon ng Spring.