多言語たげんご 情報じょうほう コーナーこーなー

2020ねん3月号がつごう フィリピン語たがろぐご  Filipino

1. Tungkol sa Kumakalat na Sakit na Pulmonya dulot ng Bagong Corona Virus


Marahil sa mga sandaling ito ay ang pangunahing balita kahit saan ang Epidemya na dulot ng Corona Virus na mula pa noong Desyembre ng nakaraang taon na nag-ugat sa Wuhan Tsina.

Sa bansang Hapon ay marami na ring nahawaan at patuloy na lumaganap ito. At dahil dito bilang mga hakbang upang maka-iwas laban sa bagong Corona Virus ay ang paghuhugas ng kamay ng mabuti at maging maingat sa pag-ubo at pagbahin. Sa paghugas ng kamay ay kailangan gumamit ng sabon sa dumadaloy na tubig sa loob ng dalawampung segundos. Ang pagdis-impekta sa pamamagitan ng alcohol ay epektibo rin. Dahil ang virus sa ating kamay ay madaling pumasok sa ating katawan sa pamamagitan ng ating mata, bibig at ilong, mariing huwag munang hawakan ang mukha kung hindi pa nakakapag-hugas ng kamay.

Kaugnay nito, kapag sa loob ng apat na araw ay nakaramdam ng trangkaso at may lagnat na 37.5 degrees centigrade pataas , masama ang pakiramdam na may kahirapan sa paghinga ay dapat tumawag kaagad sa Kennan Health and Welfare Center at ikunsulta sa telepono na may numero 0285-22-1219.

Para sa konsulatsyon maliban sa wikang hapon ay tumawag sa Tochigi Gaikokujin Support Center sa numero 028-627-3399


2. Tungkol sa Naiplanong Pagpapatakbo ng Olympic Torch Relay sa Lungsod


Sa ika-29 ng Marso araw ng Linggo, nakatakdang ganapin ang pagdaan ng Olympic Torch Relay sa Tochigi City. Ito ay magsisimula sa Kauemon Cho hanggang sa harap ng Doll Float Museum o DashiKaikan. Ito ay may kabuuang 2 at kalahating kilometro na distansya na lalahukan ng dalawampung mananakbo.

Gayundin, naitakdang magkakaroon ng sight-seeing sa pamamagitan ng pagsakay sa mga banka sa ilog ng Uzumagawa. Kaya maging bahagi at manood ng Olympic Torch Relay sa tabi ng kalsada ng mga nabanggit na lugar at suportahan natin ang event na ito ng ating lungsod.

Sa araw na ito ay may isasagawang paghigpit sa daloy ng trapiko sa pangunahing lugar ng lungsod kaya hinihingi ang pang-unawa ng lahat.


3. Ang Pagkakaroon ng Serbisyo sa mga ilang Counters ng Munisipyo sa Araw ng Linggo


A main building ng Tochigi City Hall ay bubuksan ang ilang counters o windows sa araw ng lingo dahil sa inaasahang paglilipat ng tirahan ng marami dahil sa pagbabago ng lugar ng trabaho at pagpasok sa bagong eskwelahan na kung saan ay magproproseso gaya ng rehistro ng kanilang resident’s cards at iba pa. Ang mga counters na ito ito na magbibigay serbisyo ay ang Shimin Seikatsu Section, Medical at Health Insurance at maging ang Tax Division. Ngunit hindi tulad ng mga karaniwang araw, may mga proseso na hindi pwedeng gawin.

Ang serbisyong ito ay magsisimula sa ika-15 ng Marso hanggang ika-19 ng Abril mula 8:30 ng umaga hanggang 5:15 ng hapon.

Gamitin po natin ang serbisyong ito.